Home Migrant News Living Wage Na HK$6,016, Patuloy Na Panawagan Ng AMCB Sa Hk Government

Living Wage Na HK$6,016, Patuloy Na Panawagan Ng AMCB Sa Hk Government

LIVING WAGE AMCB demand

BAHAGYANG relief umano ang binigay na dagdag na sweldo ng Gobyerno ng Hong Kong para sa mga Foreign Domestic Workers (FDWs) sa halagang HK$140, at HK$40 para sa food allowance, ayon sa grupo ng mga FDWs mula sa Asian Migrants Coordinating Body (AMCB-IMA HK and Macau).

Ayon sa nilabas na anunsiyo ng Labor Department ng Hong Kong noong 29 September, ang sweldo ng FDWS ay magiging HK$4,870 mula sa HK$4,730, at ang food allowance naman ay mula sa HK$1,196 ay magiging HK$1,236.

Ang pagtaas ng sweldo ay magsisimula sa lahat ng kontrata na pipirmahan simula sa petsang 30 September at susunod pa na araw.

Ang tinaas umano na sweldo ay hindi pa rin sapat o living allowance na kanilang hinihiling sa Gobyerno ng Hong Kong. Hindi rin ito umano makakasagot sa pagtugon sa taas ng mga bilihin sa Hong Kong.

Ang 3% na tinaas ay sweldo pa rin umano ng makabagong alipin.

Ang AMCB ay magpapatuloy pa rin sa kanilang panawagan na HK$6,016 na living wage sa lahat ng FDWS sa Hong Kong at para din sa pagtaguyod ng karapatan ng mga FDWs.

STATEMENT ng AMCB:

Living Wage For All!

The HKSAR government announced the MAW increase for migrant domestic workers by HK$140 and food allowance by HK$40 today.

While the HK$140 increase in the MAW may provide slight relief, it is still not the living wage for migrant domestic workers proposed by the Asian Migrants Coordinating Body (AMCB-IMA HK and Macau). This will not resolve the difficulties of MDWs dealing with inflation in Hong Kong.

The 3% increase is still abysmally short of the living wage (HK$6,016) and therefore is still a slave wage. The small increase reiterates how the government views MDWs as modern-day slaves.

AMCB continues to be committed to the fight for a living wage and better treatment of migrant domestic workers.