Inaresto ang apat na babae, tatlong domestic workers at isang local sa suspetsang kasong “cruelty to animals”. Sa inbestigation ng Pulis ng HK, ang apat nabbae ay sinuspetsahan ng pananakit sa pusa base sa nakitang sitwasyon ng pusa.
Noong Sabado, October 14, nakatanggap ng report ang Pulis ng tawag mula sa staff ng Leisure and Cultural Services Department office sa lugar ng Riviera Garden, Tin Chiu Street, malapit sa Pier 1, North Point. Ayon sa staff. may nakitang katawan ng pusa na nakasabit sa puno na tinali ng nylon na lubid. At sa itsura ng pusa, ito ay mukhang trinato ng hindi mabuti, ayon pa rin sa ulat ng Pulis.
Nung araw din na iyon, ay agad na pinuntahan ng Pulis ang nasabing sitwasyon at ang inbestigasyon ay ginawa ng Eastern District Criminal Investigation Team 1.
Matapos ang ilang araw na inbestigasyon, noong October 16, bandang 7:30 ng gabi, sa North Point, inaresto ng Pulis ang apat na babae, ang isang 69-anyos na Chinese, at tatlong Indonesian domestic workers, edad 24-33. Ang apat na arestado ay sa susupetsang pagmamalupit sa hayop o cruelty to animals.
Ang 69-anyos na local ay pansamantalang nakalaya gamit gamit ang piyansa, samantalang ang tatlong Indonesian domestic workers ay patulong na iniimbistigahan ng Eastern District Criminal Investigation Team 1.
Ayon sa nilabas sa online news The Standard, sinabi ng inspector ng animal crime police team ng Eastern District Mr. Mg Man-fong na “Police take animal rights seriously. We reiterate that cruelty to animals is a serious crime. According to the Prevention of Cruelty to Animals Ordinance, offenders may face up to three years in jail and HK$200,000 fine.”
Ang isa pang batas, Public Cleansing and Prevention of Nuisances Regulation, ay pinagbabawal ang hindi maayos na disposal ng namatay na hayup. Ang magkakasala ay ay pwedeng magmulta ng HK$25,000 o makulong ng 6-na buwan, dagdag pa ng opisyal.