na kamakailan ay nag-slash ng kanyang lalamunan, ayon opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dito sa Hong Kong.
Ayon sa opisyal ng OWWA, inaayos na lamang ang mga dokumento mula sa hospital para sa papalapit na pag-uwi ng OFW na namasukan bilang gardener, sa kanyang pamilya sa linggong ito.
Nakahanda na rin umano ang OWWA sa Pilipinas sa pagdating ng Pinoy kung saan ay may ambulansiya na naghihintay sa kanya sa kanyang pagdating.
Noong 4 August, bandang 9:40 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang Pulis ng HK sa nagpakilala na kasaman niya sa trabaho na nakita ang OFW na nakahandusay sa kanyang kuwarto at duguan. Agad naman dumating ang Pulis at ambulansiya upang saklolohan ang Pinoy, at agad itong pinadala sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital (PYNEH), na may buhay.
Sa inbestigasyon ng Pulis, ang kaso ay nai-ulat na “Attempted Suicide”.
Matapos ang ilang linggo sa hospital, ang Pinoy ay nasa maayos na kalagayan at makakauwi na sa kanyang pamilya.