Matapos ang ilang buwan na pakikibaka ng ating kababayang OFW dito sa Hong Kong sa kanyang sakit, minabuti na nitong umuwi para magpa-gamot sa Pilipinas at makasama ang kanyang pamilya.
Si Jane Rose G (JRG), taga Ilo-Ilo, ay namasukan ng 6-na taon dito sa Hong Kong bilang kasambahay upang itaguyod ang kanyang pamilya, lalu na para sa kinabukasan ng kanyang anak.
Sa nagdaang taon na pamamasukan ni JRG maayos ang kanyang karanasan bilang kasambahay, at sa ilang taon pagtatrabaho ay nakatulong siya sa pang-ekonomiya para sa kanyang pamilya.
Patuloy ang pagtatrabaho ni JRG para sa kanyang pamilya, pero ito ay nabago dahil sa kanyang sakit.
Ayon kay JRG, January 2023, nang mapansin niya na may bukol ang kanyang dila. Di niya ito binaliwala at siya ay agad nagpunta sa Doctor na agad naman na nabigyan ng gamot na antibiotics. Lumipas ang tatlong linggong pag inom ng antibiotics ay di nawala ang bugkol, bagkus ito ay lumaki pa at nabutas na ang kanyang dila. Dahil sa bukol at sakit na nadarama, hirap nang kumain at lumunok si JRG. Pati na rin sa kanyang pagtulog ay hirap na rin ang kababayang OFW.
Ayon pa rin kay JRG, na diagnosed ang kanyang sakit o bukol sa dila na isang klase ng cancer – TONGUE CANCER SQUAMOUS CELL CARCENOMA.
Malipas ang ilang buwan pagtitiis sa sakit, suma-ilalim ng operasyon si JRG kung saan ay kailangan na tanggalin ang bukol sa dila, dahilan na pinutol ang dila sa pagtanggal ng bukol, upang di na kumalat ang cancer cells. Nagkaroon din ng reconstructive procedure o pag-ayos ng kanyang dila dahil sa pag-alis ng bukol.
Matapos ang kanyang operasyon, sumailalim din si JRG ng radiation at chemotherapy. Pero lumipas ang ilang buwan ay bumalik ang sakit na kanyang naramdaman kaya siya ay muling sumailalim ng iba pang medical tests tulad ng MRI at CT scan.
Sa pagbalik ng kanyang sakit na cancer ay minabuti ni JRG na bumalik sa Pilipinas at doon magpagamot at makasama ang kanyang pamilya habang siya ay nasa ganung kalagayan.
Ang OWWA sa Hong Kong ay tumulong sa pag-asikaso ng pag-uwi ni JRG at pagpaliwanag ng medical benefits entitled ng isang OFW.
Si JRG ay nasa piling na ngayon ng kanyang pamilya at nakapunta na ng Doctor sa Pilipinas para sa kanyang check up.