Home Business Kahalagahan ng Perang Pinaghirapan ng mga OFWs Tinalakay sa PCG-HK

Kahalagahan ng Perang Pinaghirapan ng mga OFWs Tinalakay sa PCG-HK

Kahalagahan ng Perang Pinaghirapan ng mga OFWs sa HK

Kahalagahan ng Perang Pinaghirapan ng mga OFWs sa HK tinalakay ng KASAMBUHAY, The Sun at Philippine Consulate

HINDI lang kahalagahan ng pangangalaga sa pera ng mga OFWs, kundi pati na rin ang kasalukuyang mga scams na apektado ang OFWs, ang pinagtulungang talakayin ng KASAMBUHAY Foundation, The SUN, at ng Philippine Consulate, kahapon, 20 August, na ginanap sa opisina ng Konsulado.
Ilang volunteers ng KASAMBUHAY at ng eksperto sa finances na si Alex Aquino ang nagpaliwanag ng tamang pangangalag ng perang pinaghirapan ng mga OFWs.
Ang kasalukuyang hinaharap na mga kaso ng mga OFWs sa HK ang masusing pinaliwanag naman ni Ms. Daisy Mandap, editor ng The Sun, tulad ng scam sa paggamit ng ATN ng OFWS, scam sa pagkuha ng padala/parcel, scam sa pinagbabawal na droga, at iba pa.
Mula naman sa Konsulado, pinaliwanag ni Consul Paul Saret, ang kasong apektado hindi lang ang indibidwal na OFW, kundi pati na rin ang kasarinlan ng bansang PIlilpinas sa paggamit ng Passport ng mga OFW bilang kolateral sa pangungungutang.
Nagtapos ang napakahalagang meeting na nawagan na isama ang kahalagahan ng pangangalaga ng pera/Financial literacy sa Post Arrival Orientation Seminar (PAOS) sa mga bagong dating na OFW, patuloy na pag-aaral sa kahalagan ng pinaghirapang pera, at regular na meeting sa opisyal ng Konsulado.
Isa naming masaganang hapunan ang handog ng lider ng KASAMBUHAY para sa kanyang kaarawan na si Ms. Edna Aquino, na dinaluhan ng kanilang masugid na volunteers, lider at miyembro ng Social Justice, at marami pa, na ginanap sa Aling Sioning Café, na matatagpuan sa The Hive, Sheung Wan.

Ad 1200x800 v2