Muling nagbigay ng babala ngayong araw, 21 August, ang Hong Kong Monetary Authority (HKMA) sa publiko ukol sa fake website at emails, at ngayon ay mula naman sa Shanghai Banking Corporation Limited.
Ayon sa HKMA, patuloy ang pagsubaybay nila sa mga kaso ng ilang scammers gamit ang fake na websites ng mga banko at emails. Sa ulat ng HKMA, sa nagdaang ilang araw, ilan na sa mga banko sa HK ang nai-record nila na gamit ng mga mga scammers. Kamakailan lang, 15 August, and Hang Seng Bank ang nai-record na may fake na websites at emails.
Muling paalala ng HKMA sa publiko: “Anyone who has provided his or her personal information, or who has conducted any financial transactions, through or in response to the websites or emails concerned, should contact the bank using the contact information provided in the press release, and report the matter to the Police by contacting the Crime Wing Information Centre of the Hong Kong Police Force at 2860 5012”