Home PHL News Giit ng airport personnel: Tsokolate ang nilunok ko, hindi $300

Giit ng airport personnel: Tsokolate ang nilunok ko, hindi $300

Huli sa CCTV NAIA officer
Babaeng screening officer sa NAIA, sinubukang lulunin ang umanoy nakaw na $300 sa bibig

Sinabi ng mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) na sinasabing nasa likod ng kamakailang pagnanakaw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ay nagsabing nakalunok siya ng mga tsokolate, hindi ang nawawalang $300.

Nabanggit sa inilabas na ulat sa 24 Oras ng GMA News na isang supplemental affidavit ang isinumite ng mga sangkot na kawani para igiit na hindi siya nagnakaw at nilunok ang pera.

Sa kabila nito, hindi kumbinsido ang OTS fact finding team.

“Hindi naman normal na kumain ng tsokolate, hirap na hirap at tinutulak pa niya ng tubig. Hindi mo kailangan ng tubig. ‘Yun talaga ang paniniwala nila, hindi na yun tsokolate,” sni OTS administrator Undersecretary Mao Aplasca.

Nauna nang isinailalim ng OTS ang nasabing staff, kasama ang kanyang supervisor at isa pang tauhan na nag-abot sa kanya ng bottled water, sa ilalim ng preventive suspension.
Nahaharap din sila sa kasong administratibo para sa grave misconduct.

Iniutos ng Department of Transportation (DOTR) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga tauhan ng paliparan na sangkot sa nawawalang $300 ng pasahero

Posibleng magsampa rin ng kasong theft laban sa kanila kung mapatunayang nagkasala.

“Nakakagalit na itong nangyayari, paulit-ulit na lang siguro iniisip ng mga tao na ito na hindi naman magpo-prosper yung criminal case dahil wala yung complainant, hindi na interesado. Gagawa kami ng mga paraan na legal,” ani Aplasca.

Hindi bababa sa 14 na iba pang tauhan ng OTS na naka-duty sa parehong araw ay iniimbestigahan din.

Samantala, ang officer-in-charge ng Manila International Airport Authority na si Bryan Co ay nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa kamakailang insidente, na sinasabing nalalagay sa panganib ang mga pagsisikap na mapabuti ang mga serbisyo ng NAIA.

Inirekomenda rin ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang maximum penalty para sa sinumang airport personnel na mapatunayang guilty sa insidente. (reported by Marlon Luistro)