Home Health OFW Namatay nang Malunod sa Dagat

OFW Namatay nang Malunod sa Dagat

HK_WC_Ruttonjee_Hospital_frs
Unicode

34-anyos na babaeng Filipino ang nai-ulat sa Pulis ng lifeguard na nalunod noong Linggo, 23 June, sa Deep Water Bay Beach, Aberdeen, Hong Kong.

Ang Pinay ay sinagip ng mga lifeguards sa may layo na 20-metro mula sa dalampasigan ng nasabing dagat.

Walang malay ang Pinay nang ito ay dalhin sa Ruttonjee Hospital at sa hospital ito ay kinunpirma na wala nang buhay.

Ang dahilan ng pagkamatay ng Pinay ay malalaman lamang matapos gawin ang autopsy, ayon pa rin sa ulat ng Pulis.

Sa ilang social media, ilang kaibigan ng OFW na kasama sa kanilang kasiyahan ng araw na iyon bago ang trahedya ang nagpahiwatig ng kabiglaan at kalungkutan sa biglaan pagpanaw ng kanilang mahal na kaibigan.

Mabait at masiyahin ang pagkilala ng mga kaibigan sa yumaong OFW na umano ay naging bahagi ng kanilang buhay bilang kapwa OFW sa Hong Kong.