Nagbigay ng seminar ang Pulis ng Hong Kong ukol sa kaalaman ng ilang batas ng Hong Kong para sa mga Foreign Domestic Workers (FDWs) para umano maprotektahan ang kanilang mga sarili laban sa krimen, noong nakaraang Linggo, 21 January. Dumalo ang ilang grupo ng mga organisasyon sa dalawang session na binigay na seminar na umabot ng halos 100 participants.
Binigyan diin ng tagapagsalita mula sa Pulis, si Mr. German Ho, ang kasong money laundering na umano ang mga OFWs ang target ng mga sindikato sa paggawa ng krimen. Ayon sa Pulis ng HK, dapat na mag-ingat at mga OFWs sa pagbibigay o pagbebenta ng personal information, tulad ng inpormasyon ukol sa bank account o o ATM, dahil ito ang maaring gamitin ng mga scammers sa pagbitikma ng ilang tao na gamit ang bank account ng OFW.
14 na taon na kulong at HK$5 million na multa ang parusa sa napatunayan na nagkasala sa money laundering, ayon pa rin sa Pulis ng HK.