Muling nagsagawa ang Immigration Department at Pulis ng HK sa kanilang operasyon na “anti-illegal workers” sa nagdaang apat na araw (30 October-2 November). 13 pinagsusupetsahan ng illegal workers at 4 na pinagsusupetsahan na employers ang arestado.
Ang raid ay ginawa sa 319 na lugar at iba’t ibang pasilidad, tulad ng commercial buildings, construction sites, massage parlours at restaurants.
Tatlong lalaki at siyam na babae ang arestadong pinagsusupetsahan ng illegal na manggagawa na nasa edad sa pagitan ng 27-53.
Ang sinususpetsahang mga employer naman ay dalawang lalaki at dalawang babae na may edad na nasa pagitan ng 35-56.
Samantala, inaresto din ng Pulis ang isang turistang babae na taga-Mainland, edad 51, na nagtitinda sa distrito ng Shung Shui.
Bilin ng tagapagsalita mula sa ImmD sa publiko:
“Any person who contravenes a condition of stay in force in respect of him or her shall be guilty of an offense. Also, visitors are not allowed to take employment in Hong Kong, whether paid or unpaid, without the permission of the Director of Immigration. Offenders are liable to prosecution and upon conviction face a maximum fine of $50,000 and up to two years’ imprisonment. Aiders and abettors are also liable to prosecution and penalties.”