Home Migrant News Higit 7000 ang dami ng bilang ng OFWs na pumasok sa Hong...

Higit 7000 ang dami ng bilang ng OFWs na pumasok sa Hong Kong bago matapos ang taong 2023

Number Of OFWs In HK
chart: HKPinoyTV

Tumaas ang dami ng namasukang domestic workers (Overseas Filipino Workers – OFWs) sa Hong Kong pagpasok ng taon 2023 ayon sa datos ng Immigration Department (ImmD) ng Hong Kong.

Sa pinakuhuling datos ng ImmD ( September 2023) ang pumasok na manggagawang Pinoy sa katergoryang Foreign Domestic Helper (FDH) ng Hong Kong ay umabot ng 197,748. Ito ay tumaas ng 7,689 kumpara sa huling bilang ng dami ng katapusan ng taong 2022 na may bilang lamang ng 190,059.

Note: Figures refer to those who have a valid limit of stay in Hong Kong as an FDH

Number Of OFWs In HK in 2023 Chart: HKPinoyTV
Number Of OFWs In HK in 2023 Chart: HKPinoyTV

Mapapansin na ang pagtaas ng dami ng namasukang OFW sa kasalukuyang taon ay simula ng paghinto ng ilang mahigpit na mga regulasyon ukol sa pandemya.

Matatandaan na nagsimula nang magkaroon ng pandemya sa Hong Kong noong January 2020 at nagtapos ang ilang mahigpit na regulasyon noong December 2022.

Matatandaan din na bago ang pandemya, may daming 219 073 na OFWs sa pagtatapos ng taong 2019.

Naitala ng Gobyerno ng Hong Kong ang pagpasok ng pandemya bago matapos ang buwan ng January sa taong 2020, simula ng pagkakaroon ng ilang mga regulasyon para sa pag-iwas ng pagkalat ng pandemya. Ilan sa regulasyon ay ang pagpasok ng mga mga mamayan galing sa ibang bansa kabilang ang mga foreign domestic workers.

Sa pagtapos ng taon ng 2020, ang dami ng OFWs ay 207 402 na lamang o nabawasan ng halos 12,000.

Sa pag-igting ng pandemya, patuloy ang ilang mga regulasyon upang kumalat ang pandemya at sa katapusan ng buwan ng taong 2021, ang bilang ay bumaba 191,783, at muling nabawasan ang bilang ng OFWs sa pagtapos ng taong 2022 (190,059).

Sa pagtanggal ng ilang regulasyon sa pandemya, nagsimula ang pagdagdag na pagpasok ng OFWs sa Hong Kong na makikita sa buwanang bilang ng dami sa taong 2023 na ayon pa rin sa datos ng Immigration Department ng Hong Kong.

Sa kabuuan, ang bilang ng dami ng OFWs sa Hong Kong sa panahon ng pandemya ay bumaba ng 29,014 (219,073-190,0590). At sa pagsimula ng taon ng pagluluwag sa mga regulasyon ng pandemya ay muli tumataas ang bilang ng dami ng OFWs ng 7,689 (197,748 –190,059).