Home Business Mas murang cosmetic cream mas epektibo kaysa sa mamahaling brand, base sa...

Mas murang cosmetic cream mas epektibo kaysa sa mamahaling brand, base sa pag-aaral ng HKCC

Mas murang cosmetic cream mas epektibo

Ayon sa pag-aaral ng Hong Kong Consumer Council (HKCC) wala sa halaga ng presyo ng mga cosmetic products ang resulta o kung gaano ito ka epektibo sa paggamit.

Makikita sa ilang shops ang mga produktong pampaganda o cosmetic creams na umano ay makababawas ng kulubot at may pangakong kikinis at gaganda ang kutis.

Upang matulungan ang mga mamimili na pumili ng isang produkto na mabisa sa pagbabawas ng mga wrinkles, moisturizing at ligtas, sinubukan at sinuri ng HKCC ang 15 eye creams na available sa merkado.

Ang ilan sa mga ito ay lubos na kilala at may mga gamit pang modelo, at iba naman ay galing pa iba’t ibang bansa.

Ginawa ang pagsusuri sa sa loob ng 30-araw. Sa kanilang pag-aral sa mga cosmetic creams, lumahok ba higit 200 Asian woman, edad 40-55, upang malaman anong prudukto ang magre-resulta ng makabawas ng kulubot at makakapag-pakinis ng balat sa mukha o ma-moisturize.

Sa ginawang research sa mga cosmetic creams na dumaan sa ilang pagsusuri sa epekto nito sa balat, nakita na meron itong “moisturizing effect”, pero hindi lahat ay nagresulta ng pagbawas ng kulubot sa mukha.

Posiible din umano, base sa pag-aaral, ang mga ginamit na kemikal para magkaroon ng mabangong amoy ang ilang mga produkto ay magkaroon ng epektong allergies sa gagamit nito.

Hinalimbawa sa ginawang pag-aaral ang ilang produkto, tulad ng Nivea Cellular Filler Anti-age Eye Cream na may puntos na 4.5 stars sa ginawang rating at mabibili lamang sa halagang HK$179, samantalang ang isang produkto na napakamahal sahlagang HK$1,060 na pareho ang gamit ay nakatanggap ng pinakamamababang rate base sa resulta ng produkto.

Sa pag-aral ng epekto ng paggamit ng creams gumamit ang otoridad ng aparato sa na magsusuri sa balat ang (skin topology measuring device).

Ang mga resulta ay nagpakita na ang lahat ng mga sample ay may magandang moisturizing effect. Tatlo sa 15 brands ay nangibabaw sa galing ng epekto na pag-moisturize ng balat.

Gayunpaman, ang epekto ng pagbabawas ng kulubot ng karamihan sa mga sample ay katamtaman lamang, at may isang produkto na may medyo namumukod-tanging epekto sa pagbabawas ng kulubot.

Bilang karagdagan, kabilang sa mga sample na may medyo mahusay na epekto sa pagbabawas ng kulubot ay walang halong formaldehyde na nakita sa ilang produkto. Ang ilan naman brand ay nakitaan ng may allergenic na sangkap sa mga pabango, kaya ang mga gumagamit na mas madaling kapitan ng mga allergy sa balat ay dapat mag-ingat sa paggamit.