Inanunsyo ng Cathay Pacific ngayong araw, 11 September, na simula Biyernes, ika-15 ng Setyembre ay mas maaga nang magsasara ang check-in counters ng airline sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ayon sa nasabing airline, magsasara ang check-in counter nito nang 40 minuto bago ang nakatakdang lipad ng eroplano.
Dahil diyan ay hinikayat ng airline ang mg pasaherong aalis mula Maynila na agahan ang dating sa airport para mabigyan ng sapat na oras na makumpleto ang proseso ng check-in.









