Home Hong Kong Arestado ang isang lasing na 36-anyos na lalaking Filipino sa kasong pananakit...

Arestado ang isang lasing na 36-anyos na lalaking Filipino sa kasong pananakit ng Pulis ng HK

HK Police photo 002

Napansin ang lasing na Pinoy habang nagsasagawa ng pagpa-patrol ang Hong Kong Island Regional Tactical Unit (HKIMO) sa kalye ng Junction of Wo On Lane and D’Aguilar Street, sa Central District, bandang alas 6:00 kahapon, 29 October.

Nilapitan ng mga Pulis ang 36-anyos na Pinoy upang alamin ang kalagayan nito ngunit ito ay hindi nag-cooperate sa mga Pulis. Ayon pa sa ulat ng Pulis, nanlaban ang Pinoy at nasaktan ang dalawang Pulis na nagkaroon ng mga pasa sa mga kamay at mga paa.

Sa paunang inbestigasyon ng Pulis, inaresto ang Pinoy (may HK ID) na ayon sa Pulis ay emotional. May ilang sugat din sa baba ang Pinoy dahil sa paglaban sa mga Pulis na agad binigyan lunas sa ambulansiya ng Pulis.

Ang Pinoy ay inakusahan sa kasong “assaulting police officers.”

Dinala ang dalawang Pulis at ang akusadong Pinoy sa Queen Mary Hospital upang bigyan lunas ang mga sugat na nakuha sa naganap na altercation.