Ayon sa ulat ng Pulis ng Hong Kong, inaresto ang lalaking lokal, edad 24, kinilala sa apeyidong Lam, at babaeng lokal, edad 22, kinilala sa apelyidong Chow noong 8 March sa Tuen Mun district ng Hong Kong.
Ang pag-aresto ay sa dahilang ng kasong “illegal disposal of dead bodies”. Pinaghinalaan na ang dalawa ay magulang ng mga sanggol na nakita sa garapon.
Ayos sa binigay ng ulat ng HK Police sa HKPinoyTV, nakita ng cleaning lady ang dalawang garapon na naglalaman ng mga sanggol nang linisin niya ang iniwang flat sa Tsuen Mun ni Lam at Chow, at agad itong tinawag sa otoridad. Ang garapon ay may taas na 30 cm at ang dalawang katawan ay nakababad sa likido (sa oras ng pag-aresto hindi pa alam kung ano ang likido na binabadan ng katawan ng sanggol).
Sa paunang inbestigasyon na lumabas sa The Standard, ini-ulat ng Chief Inspector ng NT North Unit na base sa forensic doctor mula sa Fu Shan Mortuary sa Tai Wai ay iniistima na ang dalawang sanggol ay 24 at 30 linggo ang mga edad, at walang nakitang anumang sugat.
Kahapon, 11 March, ang dalawang arestado ay humarap sa korte ng Fanling.
Sa korte, napag-alaman na ang mga sanggol ay pinanganak ng taon 2022, at taon 2023 ayon pa rin sa mga lumabas na balita sa ilang media outlet.
Bagamat di nagbigay ng kanilang sagot sa inakusang kaso ng korte, nauunawaan na mga nasasakdal na sinasabing ang mga insidente ay nangyari sa iba’t ibang oras at lugar
Ang kaso ay muling didinggin sa June 3, para sa mas malawak pa na mga pagsusuri at inbestigasyon. Kailangan umano ang DNA tests para matiyak kung ang dalawang nasasakdal ay mga magulang ng mga sanggol na nasa garapon.