Kinumpirma ng pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ang reklamo ng ilang mga pasahero na may surot sa mga upuan ng airport kaya agad din nagsagawa ng pagdi-disinfect dito.
Pero ayon sa NAIA Terminal 3 Pest Control Services Operations Supervisor Mike Buño na posible ang surot ay hindi galing sa Pilipinas.
Ayon sa nilabas na interview ng GMA7 kay Buno, ang surot na nakita sa mga upuan ay mas malalaki.
“Compare po sa mga surot na meron tayo dito, mas malalaki po siya, kalamitan po ah, for example doon po sa mga bagahe or doon sa mga pumapasok sa atin, possible ay sa bagahe o mga gamit na dala galing ibang bansa papasok sa terminal” paliwanag ni Buno sa nakitang mga surot sa upuan sa airport.
Sa panayam pa rin ng GMA7 Integrated News sa General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Mr. Eric Jose Ines, sinabi nito na pwedeng mangyari (ang pagkakaroon ng surot), bagamat nakita niya ang mga upuan na may surot ay gawa ng bakal.
Humingi rin ng paumanhin si Ines sa mga naapektuhan ng surot, at sisigaraduhin din daw nila sa publiko na ang mga paliparan ay nasa maayos na katayuan.
Ayon pa rin sa ulat, ang “deep disinfection” ay umaabot ng tatlong araw.