Sa ilang araw lamang ng panawagan ng grupo ng Social Justice for Migrant Workers (SJMW) sa kanilang miyembro na magbigay ng tulong sa isang OFW na may sakit, umabot ng HK$7,500 ang nalikom at binigay sa OFW.
Ang 36-anyos na OFW na ilang araw na nasa hospital dahil sa kanyang sakit sa kidney, may lupus, at iba pa, ay napa-abot ang kalagayan nito sa isa sa admin na si Sol Ramel, Vice Presiden ng SJMW, noong 18 September. Ang asawa ng OFW namula sa kanilang probinsiya na may pansamantala visa para sa pagbantay ng asawang OFW na kasalukuyang nag-aasikaso ang siyang nagpa-abot kay Ramel ng kalagayan na may sakit na asawa.
Mabilis na napa-abot ni Ramel sa pamunuan ng Social Justice ang kalagayan ng OFW at agad din na inaksiyunan para mapa-abot sa mga miyembro.
Sa loob ng ilang araw lamang, agad umaksiyon ang grupo, at noong 23 September, Sabado, dinalaw ni Sol Ramel at Rowena Balicao, Assistant Treasurer ng SJMW sa Queen Elizabeth Hospital ang OFW at inabot ang naipon na pera sa mag-asawa (HKD7500 sa loob ng wala pang isang-linggo).
Sa nabigay na tulong, masayang pinaliwanag ni Ramel na ang perang nalikom ay galing sa mga miyembro ng SJMW na agad duminig sa kanilang panawagan. Ang mga miyembro na OFWs na sa kanilang kakayahan, maliit man o malaki ang nabigay na donasyon. ay agad sumagot sa panawagan.
Maliban sa donasyon na pera, hindi matatawaran ang binigay na payo ni Ramel sa OFW na magpatuloy na magpagaling at huwag sumuko sa kanyang kalagayan, ganun din sa asawa nito na patuloy na alagaan ang OFW.
Buong pusong pasasalamat naman ang binigay ng mag-asawa kay Ramel At Balicao at sa buong pamunuan at miyembro ng SJMW.
Ang Social Justice for Migrant Workers (SJMW)
Ang Social Justice for Migrant Workers ay grupo ng mga overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na unang tinatag ni Marites Palma noong taong 2019. Gamit ang platapormang Facebook Page sa social media, sa kasalukuyan ay may daming 44,000 na miyembro.
Ayon sa Facebook Page ng grupo (Private Group), nais ng SJMW na tumulong sa kapwa OFW na nangangailangan ng hustisya, at magbigay kaalaman ng karapatan ng mga OFWs. Binigyan diin na nais ng SJMW na ang tinig ng mga OFWs sa kanilang kalagayan tulad ng kaso ng pang-aabuso, at ilang pag-labag sa kanilang karapatan ay marinig ng kumunidad at otoridad sa Hong Kong.
Higit pa sa pagtulong sa kapwa OFWs, ang SJMW ay aktibo sa pagdalo sa ilang forum ukol sa kalagayan ng mga OFWs sa Hong Kong. Sa tulong at koordinasyon ng ilang non-government office (NGO) ang SJMW ay nagbibigay din ng kaalaman sa kapwa OFWs sa pamamagitan ng training, forum, at iba pa.
Ang SJMW na kinikilalang isa sa grupo ng mga OFWs ay bukas sa nais na magmiyembro. Hanapin sa Facebook ang kanilang facebook paga na kasalukuyan ay may 44K na miyembro.
Kilalanin natin ang pamunuan ng SJFMW
Founder/Pres: Marites Palma
Vice -Pres: Sol Ramel
General Secretary: Leizl Rosales
Assistant Secretary: Ma. Daisy Hagutin
Treasurer: Ma. Teresa Torralba
Asst Treasurer: Roena Balicao
Auditor: Divina Lim
Public Relation Officer: Mercedes Moncayo
Admins:
Joshua Ibarra
Precy Juscaya
Jonalyn Otanes
Ma.Sheena Gerawa
Beth Lizardo
Alma Bangayan
Myra Borgonia
Moderators:
Lhiza Borre
Jenny Hervias
Julita Reglos
Josie Valenciano
Volunteers:
Marites Quezon
Resty Dela Cruz
Gemma Mangaliman
Mylene Bayos
Amelyn Guevarra
Advisers:
Edna Aquino
Doc Brenda Alegre
Engelbert Causing