Home PHL News 3 kotse ang napinsala sa pagsabog ng molotov sa NAIA

3 kotse ang napinsala sa pagsabog ng molotov sa NAIA

NAIA_Terminal_3 v2

MAYNILA – Pinaghahanap na ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine National Police ang mga salarin sa napaulat na pagsabog ng molotov sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 parking area sa Pasay City noong Sabado ng umaga.

Sang-ayon sa mga paunang na ulat ay nabatid na ang kahalintulad na ingay ng mahinang pagsabog ay nagmula sa direksyon ng bukas na parking area sa harap ng Terminal 3.

“Isang mahinang pagsabog ang naiulat noong o mga 0930H kaninang umaga sa open vehicular parking ng NAIA Terminal 3,” ayon sa pahayag ng MIAA.

Walang naiulat na nasaktan ngunit tatlong sasakyan ang naapektuhan ng improvised flaming device.

Ayon sa MIAA, “Nabasag ang isang basong bote na naglalaman ng nasusunog na likido at nakabalot ng tela. Tumama ang mga particle nito sa tatlong sasakyan na nakaparada malapit sa lugar kung saan ito lumapag. Sinabi ng mga nakasaksi na nakita rin ang maliliit na apoy sa ibabang bahagi ng mga sasakyan.”

Sinusuri na ang mga record ng security camera, kabilang ang mga mula sa kalapit na mga establisyimento.

Hinimok ng MIAA officer-in-charge na si Bryan Co ang komunidad na mag-ulat ng mga kahina-hinalang mukhang indibidwal at hindi pangkaraniwang paggalaw. Hiniling din niya sa pulisya na dagdagan ang patrol at visibility sa mga pampublikong lugar. (ulat ni Marlon Luistro)