Home Education Pagsasanay ng mga OFW sa paggamit ng Online Voting unang sinagawa sa...

Pagsasanay ng mga OFW sa paggamit ng Online Voting unang sinagawa sa Hong Kong

Online voting group photo Hong Kong

Ang mga Pinoy sa Hong Kong ang unang nabigyan ng pagsasanay sa paggamit ng Online Voting ayon sa COMELEC commissioner Marlon Casquejo na siyang nagbigay ng pagsasanay.

Ang information dissemination at pagsasanay sa paggamit ng Online Voting ay isasagawa ng COMELEC sa walong bansa para sa darating na mid-term election ay unang sinimulan sa Hong Kong noong nakaraang Linggo 28 July, sa Park Lane, Causeway Bay.

Maliban sa Hong Kong,  magkakaroon din ng pagsasanay sa Singapore, Vancouver, San Francisco, Abu Dhabi, Doha at Barcelona.

Mula sa anim na COMELEC Commissioners,dumating ang limang Commissioners  na sina Nelson Celis, Ernesto Ferdinand Maceda, Rey Bulay, Socorro Inting at Marlon Casquejo.

Si COMELEC chairman George Erwin Mojica Garcia ay hindi nakarating dahil umano sa naiwang gawain sa Manila.

Ayon kay Comm Casquejo,malaki umano ang matitipid na budget sa paggamit ng Online Voting gamit ang internet. Malaki umano ang mababawas sa gastos sa mga susunod na eleksiyon dahil sa hindi na gagamit ng makina (voting machine), hindi na kailangan mag-imprenta ng balota, gumamit ng tinta, at iba pang kailangan sa pagrehistro at pagboto tulad ng mga nakaraaang paraan sa eleksiyon.

Sa pagsasanay, ilan kababayang OFW ang masayang natutong magpa rehistro at umayon sa mga binigay na paraan gamit ang internet sa online registration. Matiyaga din binigyan pansin ni Comm Casquejo ang ilang mga puna at iba pang suggestion sa ikakabuti ng paraan ng pagboto.

Ayon sa isang OFW na dumalo sa pagsasanay, ang online voting ay napakalaking bentahe kung saan ay pwede siyang magparehistro at bumoto kahit saan basta lamang may internet gamit ang kanyang smart mobile phone na di tulad ng dati na kailangan pa niyang pumila ng mahabang oras.

Ang dami ng bilang ng Pinoy na nasa labas ng bansa na umaabot ng 10-11 Milyon, sa daming ito, 1.2 Million lamang ang rehitrado at kalahati nito o 600,000 lamang ang nai-ulat na bumoto sa nagdaang election kayat ang COMELEC ay ang Konsulado ng Hong Kong ay patuloy na nanawagan sa mga Pinoy na magparehistro at bumoto sa pagpili ng mga lider ng ating bansa.