Home Featured Stories Opisyales ng Department of Migrant Workers bumisita sa HK

Opisyales ng Department of Migrant Workers bumisita sa HK

Opisyales ng Department of Migrant Workers

ILANG opisyal ng Department of Migrant Workers (DMWs) mula sa Pilipinas ay darating sa Hong Kong bukas, 13 August, upang harapin ang umano ay mga biktima ng illegal recruitment ng kumpanyang PCVC-Opportunities, kung saan ang founder ay si Nina Mabatid at partner na si Russ Mark Garmallo, ayon sa opisyal ng DMW dito sa HK.
Sa mga naunang balita mula sa ilang online media entity, nagbayad umano ang mga biktima ng halagang HK$18,000 sa pangakong makakapunta ng Canada para mag-aral o makakuha ng “student visa” sa Canada. Higit 50 OFWs ang tinatanyang naghahabol sa nasabing mga recruiter.
(Photo courtesy of one of the claimants/Kuha noong orientation day ng PCVC para sa mga OFW dito sa HK/February 2023)