Home Health Namatay na ang Pinay na kritikal ng ilang araw dahil sa sunog...

Namatay na ang Pinay na kritikal ng ilang araw dahil sa sunog sa North Point

RuttonjeeH_Screenshot

Nasawi ang 32-anyos na Pinay kahapon (September 30) n ng alas 3:27 ng hapon sa Ruttonejee Hospital na ilang araw na nasa kritikal na kundisyon dahil sa sunog sa North Point.

Ang Pinay ang ikalawang nasawi dahil sa naganap na sunog noong 27 September bandang alas 2:45 ng madaling araw, na nagsimula sa flat kung saan ang 35-anyos na lalaking local ay nakatira.

Ang isa pa nasawi ay ang 29-anyos na babaeng local.

Samantala, ang 22-anyos na lalaki ay nasa kritikal pa rin na kundisyon, samantala ang 35-anyos na lalaki ay nakalabas na ng hospital.