Ang Cyber Security and Technology Crime Bureau (CSTCB) ay nagpa-abot ng paalala sa sa publiko na mag-ingat sa kumakalat na fake na mga mensahe galing sa Octopus gamit ang SMS (Short Message Service).
Ayon sa CSTCB, sa nagdaang linggo lamang ay umabot ng HK$210,000 ang nai-ulat na halaga na nawala sa 71 nabiktimang tao na gumagamit ng Octopus card.
Ang scammer umano ay magpapadala ng SMS at sinasabi na ang Octopus card ay malapit nang mag-expire kaya kailangan ay pumunta sa fake na link ng Octopus website, ang paraan ng pambibiktima ayon pa rin sa CSTCB.
Pag ang biktima ay nag-klik sa fake na website, hihingin ang phone number, verification code, Octopus number, at iba pang mahalagang inpormasyon. Matapos na makuha ang inpormasyon ng biktima, ito ay gagamitin para magamit ang banko at iba pang pinaglalagakan ng pera ng nabiktima.
Pinag-iingat din ng CSTCB ang publiko sa pekeng app ng Octopus na tinawag na “Octopus (Beta)”, na may kakayanan na kunin ang inpormasyon ng taong gumagamit ng Android devices.
Nagbigay naman ng pa-alala ang Pulis ng Hong Kong upang umiwas sa ganitong klase ng scam, na umano ay:
- Never click on any unknown link
- Don’t disclose personal or sensitive information easily
- Should download the mobile app from official channels
- Use anti-malware tools and keep updated often