Home Finance Kaso ukol sa Illegal Recruitment, didinggin ngayong araw sa Senado, 7 February

Kaso ukol sa Illegal Recruitment, didinggin ngayong araw sa Senado, 7 February

Senate: Plenary Session. Photo by Angie de Silva/Rappler
Senate: Plenary Session. Photo by Angie de Silva/Rappler

Nakatakda ngayon araw sa Pilipinas ang Public Hearing of the Senate Committee on Migrant Workers na base sa sumusunod na mga batas; SB No. 2078 – OFWs Financial Literacy Enhancement Act ( ni Senator Raffy Tulfo)  at ang PSR No. 814 & 816 – Massive Illegal Recruitment Schemes( ni Senators Risa Hontiveros at Raffy Tulfo).

Ang pagdinig ay mapapanood online ngayong araw, 7 February, mula ala-1:00, hanggang alas- 3:00 ng hapon sa YouTube Channel ng Senate of the Philippines.

Naunang na-schedule ang pagdinig ng usapin ng illegal recruitment noong 30 January, ngunit naurong dahil sa ilang mga naganap sa Pilipinas.

Matatandaan, ang kaso ng ilang mga OFWs sa Hong Kong na nabiktima umano ng dating Cebu City councilor na si Nina Mabatid at ng kanyang kumpanyang Opportunities Abroad sa pagrecruit sa pangakong makapupunta ang kababayan nating PInoy sa Canada gamit ang “student visa”. Ang ilang mga OFWs ay nagbayad ng HK$18K hanggang HK$25K.

Nakaraang Linggo, 4 February, ang Migrante-Hong Kong ay nagsagawa ng pagkilos para manawagan sa pagdinig ng kaso ng illegal recruitment.