Home Community Events FIS, grupo na bukas tumulong sa may higit na pangangailangan

FIS, grupo na bukas tumulong sa may higit na pangangailangan

FIS, grupo na bukas tumulong sa may higit na pangangailangan

Mula nang itatag ang Filipino Image Society (FIS) ng taong 1997 sa HK sa pamumuno ni Sol Ramel, patuloy itong nagbibigay ng tulong sa mga grupo na may higit na pangangailangan tulad ng ‘Persons with disabilities’ (PWDs).

Kamaka-ilan, noong 7 January 2024, sa Paoay, Ilocos Norte, nagbigay ng mga ilang pangunahing pangangailangan ang lider ng FIS, tulad ng pagkain at pera, sa 40 na mga bata na may higit na pangangailangan.

Maliban sa nakaraan lamang ng pagbigay ng tulong na pagtupad sa kanilang gawain, ang FIS ay nagbigay ng tulong din sa nagdaang mga taon sa abandoned parents ng Maria Foundation, sa Cotabato City. Ilan pang mga nakatanggap ng kanilang tulong ay mga street children sa Manila (nasa pangangalaga ng Baclaran Church), mga bata mula sa mahirap na pamilya mula sa Brgy Umboy, Sta Cruz, Laguna, at Ibajay Aklan, Muntinlupa, at marami pa.

Maliban pa dito, ang FIS ay tumulong din sa mga nasalanta ng kalamidad sa Pilipinas, ayon pa rin kay Ramel.

Ang pagbibigay ng kanilang tulong ay tinataon sa panahon ng Pasko kung saan ilang miyembro nila ay nasa bakasyon upang umano maranasan ng bawat isa ang pagbibigay tulong sa kapwa.

“We are doing charity mission once a year, tinataon namin pag December to make
them happy by receiving gifts on Christmas”, paliwanag ni Ramel.

“This is an open group with a compassion and kind heart to help”, dagdag pa ng founder ng grupo.