Home Featured Stories 50-buwan kulong ang 39-anyos na Pinoy sa kasong paghalay ng kanyang sariling...

50-buwan kulong ang 39-anyos na Pinoy sa kasong paghalay ng kanyang sariling anak

Wanchai District Court
Wanchai District Court

Kulong ang 39-anyos na Pinoy ng 50-buwan sa sintensiyang binigay ng judge sa kasong panghalay (sexual assault) sa kanyang sariling anak na babae.

“Disgusting and despicable”, ito ang paglarawan ni Judge C.P. Pang sa ginawang panghalay ng Pinoy sa kanyang anak sa kasong laban sa kanya, kung saan ay kanyang inamin o nag-plead ng guilty sa unang pagharap niya sa korte.

Sa araw ng pagbigay ng sintensiya sa kanya nooong 06 October, sa District court, ang Pinoy ay naka-suot ng itim na tee-shirt at may mask nang iharap sa korte.

Ayon pa sa Judge, ang parusang ginawad sa Pinoy ay seryoso na kaso na dapat hindi tularan pa ng iba. Binigyan halaga din ng Judge ang trauma ng bata at trauma ng Ina nito sa ginawang paghalay ng ama ng bata. Masakit umano sa ina ang ginawang paghalay ng kanyang asawa sa kanilang anak na binigyan niya ng buong-tiwala ang kanyang asawa na mag-alaga sa kanilang anak.

Hindi naman tinaggap ng Judge ang depensa ng lawyer na si Barrister Edward Laskey, na umano ay naka-inom ng inuming may alcohol ang Pinoy sa mga panahon na ginawa niyang panghahalay. Ang pag-inom daw ng alcohol ay bahagi ng kanyang trabaho kung saan siya at namamasukan sa restaurant/bar.

Ayon sa korte, sa salaysay ng biktimang bata, ilang beses ang ginwang paghalay sa kanya ng sariling ama, na mga 5-beses sa isang buwan simula ng siya ay 10-taon lamang.

Ang sinampang kaso laban sa kanyang ama, ang batang biktima na pinangalangan sa korte na X, ay sa dalawang panahon na panghahalay sa kanya.

Nagsimula ang paghalay ng Pinoy, na pinangalan sa korte sa initials na D.M.L,. ang kanyang anak na babae nang ito ay 10-edad lamang noong December 2019. Umuwi ang ina ng bata at kanilang katulong sa Pilpinas at sa kanya binilin ang tatlong nilang anak. Tumabi ang Pinoy sa pagtulog ng biktima at dito hinipuan sa maselang bahagi ng katawan.

Ang ikalawang kasong sinampa ay nangyari naman noong October 2022 nang tabihan ang kanyang anak at hinawakan sa maselang bahagi ng katawan at kanyang nilapat ang kanyang ari sa maselang katawan ng anak.

Matapos gawin ng kanyang ama ang ginawa sa bata, nagsumbong na ito sa kanyang ina. Humingi ng tulong ang ina sa eskuwela ng bata, at ng department of social worker ng Hong Kong, at saka ni report sa Pulis ng HK.

Ayon din sa korte, sa sintensiyang binigay sa Pinoy, binigyan halaga ng Judge ang epekto ng paghalay ng sariling ama sa kanyang anak na nagging dahilan ng pagkaroon ng trauma sa biktima at may post-traumatic syndrome (PTSD), kung saan tinawag na anak ang kanyang sariling ama na “monster”, ayon pa rin sa korte.