Inaresto kagabi (11 April) ang 41-anyos na Filipino dahil umano sa pangga-gahasa nito sa kanyang 28-anyos na kasambahay na Pinay, ayon sa ulat ng Pulis ng Hong Kong.
Ang pag-aresto sa Pinoy at responde base sa tawag sa HK Pulis na agad pinuntahan sa bahay nito sa Lantau South.
Sa unang investigation ng Pulis ng Hong Kong, ang naganap na panggagahasa ay noong 10 April, habang ang asawa ng Pinoy ay nasa trabaho. Pilit umanong pinasok sa kuwarto ang OFW at doon ginawa ang pagsasamantala sa OFW na ilang buwan pa lamang na nagtatrabaho sa kanyang mga employer.
Ang OFW ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng ating Konsulado.
Samantala ang lalaking Pinoy na employer ay patuloy na nasa presinto ng HK Pulis sa Mui Wo Police Station para pa sa ilang inbestigasyon.
Nagbilin din ng paalala ang opisyal mula sa Migrant Workers Office (MWO) sa ating mga kababayan, “Sa ating mga kababayan, kung sa tingin po ninyo hindi na kayo safe sa workplace nyo, dahil kayo lang ang nakaka-alam kung ano ang totoong sitwasyon nyo, mangyari lang na tumawag kayo sa 999, na laging ready para tulungan po kayo. Huwag po kayong matakot at huwag palagpasin pa para mas matibay ang ipinagkalaban ninyo.”