Ayon sa Hospital Authority ng Hong Kong ay kritikal pa rin ang babaeng Filipino na isa sa mga biktima ng sunog sa Lucky House building sa Jordan.
Kinilala ang residenteng Pinay sa naganap na sunog kahapon, 10 April.
Ang Pinay na may initial na PMBS ay dinala sa Queen Elizabeth Hospital at agad na inadmit sa ICU.
Pero ayon sa Duty Officer ng Hospital Authority, pasado alas 12:00 ng tanghali ngayon (11 April) ay nasa kritikal na condition pa rin ang kababayang Pinay.
Naunang nai-ulat naman ang 39 anyos na residenteng Pinoy na isa ring nasugatan mula sa naganap na sunog. Ayon sa ulat ng Pulis, ang Pinoy ay pamilit na mailigtas ang sarili kayat binasag ang pintuang salamin upang makalabas sa nasusunog na building.
Ayon pa rin sa Pulis ng HK may 300 tao ang nilikas sa nasabing gusali.
Ang Chief Executive ng HK na si Mr John Lee ay agad nagpunta sa Queen Elizabeth Hospital upang bumisita sa ilang biktima ng sunog.
Ang Konsulado ng Pilipinas sa HK ay nakikipag ugnayan sa otoridad ng Hong Kong para sa anumang development ng kalagayan ng mga Pinoy at para rin magbigay ng assistance sa mga na biktima ng sunog.