Home Health OFW ligtas sa ginawang operasyon sa puso, ayon sa administrator ng SJMW

OFW ligtas sa ginawang operasyon sa puso, ayon sa administrator ng SJMW

OFW ligtas sa ginawang operasyon sa puso

Masayang binahagi ni Alma Albert Bangayan, isa sa administrators ng Social Justice for Migrant Workers (SJMW), ang magandang balita sa isa nating kababayang OFW.

Ayon sa post ni Bangayan sa social media platform ng kanilang grupo, maayos na naisagawa ang operasyon sa puso ni Teresita Bautista Ganaden, 54-anyos. Ang pagkakaroon ng sakit sa puso ni Ganaden ay resulta matapos itong magkaroon ng high blood at nagkaroon umano ng mild stroke, paliwanag ni Bangayan sa HKPinoyTV. Ang operasyon na heart bypass ay ginawa noong 19 February sa Ruttonjee hospital, paliwanag pa ni Bangayan.

Bago pa ang operasyon, nanawagan na si Bangayan ng panalangin para sa kapwa-OFW sa iba pang kababayang Pinoy na maging matagumpay ang operasyon, kaya’t isang masayang balita ang pina-abot niya sa HKPinoyTV na maayos ang resulta ng operasyon.

Nadalaw ng administrator ng SJMW ang pasyenteng OFW ng dalawang beses upang magbigay ng tulong at suporta bilang gawain at layunin ng kanilang grupong SJMW.

Si Ganaden ay taga San Fabian, Pangasinan na namasukan sa kanyang employer ng higit tatlong taon.

Ang Social Justice for Migrant Workers na isang pribadong grupo na binubuo ng mga OFWs sa Hong Kong at ilang suporters ay nagsimulang mag-bukas ng kanilang social media platform sa Facebook/Meta noong 31 May 2019.

Layinin ng grupo na tumulong at magbigay ng suporta sa kapwa Pinoy, kapwa OFW. Ito ay pinamumunuan ni Marites Palma bilang Presidente, at VP Sol Ramel, at ng magigiting na iba pang opisyal ng grupo, at ilang administrator ng kanilang platform.

Ayon sa opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naka-usap nila ang employer ni Ganaden at pina-abot din ang magandang balita na tagumpay ginawang operasyon sa OFW.