Sa initiatiba ng Grand Hong Kong Eagles Club, sa pamumuno ng Chartered President ni Alann Cayosa Mas, at Grand Hong Kong Lady Eagles Club sa pamumuno ng kanilang President na si Maria Rosario Velarde, ilang grupo ng mga OFWs sa Hong Kong ang nagsagawa ng paglilinis ng Coastal Area, Lover’s Bridge at Tai Tau Chau Trail sa Shek O, Hong Kong, noong Linggo, 19 May.
Halos 100 OFWs na miyembro ng iba’t ibang organisasyon ang nagtulong tulong sa pamumulot ng mga basura sa tabi ng dagat na umabot ng ilang plastic bags nang ito ay maipon.
“Isa po ito sa adbokasiya ng aming grupo at bahagi ng aming comminuity service bilang pasasalamat sa inang kalikasan at sa HK Government”, paliwanag ni Alan nang tanungin kung bakit nagsagawa ang grupo ng paglilinis sa coastal area.
Sarili din daw pagkukusa ng mga grupo ng mga OFWs ang nasabing clean drive ayon pa sa lider ng grupo kung saan ang kalahating araw ng kanilang day off ay nilaan sa ginawang proyekto.
Organisasyon ng OFW na tumulong sa Coastal and Trail Clean Drive:
- KABATAK SOLID GROUP
- ACES
- TASKFORCE
- STRIKER FORCE
- PAPS
- SAI KUNG PAGE
- GUARDIANS REPUBLICANS INT’L INC.
- FREELANCER VOLUNTEER HIKERS
- GREEN SPEED BRAVE VOLUNTEERS
- HONG KONG CLEAN UP
- NAVEDA Wellness Center
- TROPANG GGV