Home Migrant News Babala ng DMW sa nais magtrabaho abroad

Babala ng DMW sa nais magtrabaho abroad

Babala ng DMW sa nais magtrabaho abroad

Naglabas ang Department of Migrant Workers (DMW) ng babala sa publiko sa pagkalat ng mga indibidwal na napapanggap ng sila ay nagtatrabaho o taga-DMW. Ang nasabing mga indibidwal ay nanloloko sa nagtatangkang magtrabaho abroad.

Nilinaw at pinaabot sa publiko na hindi sila empleyado ng DMW at peke ang mga indibidwal na ito.

Mahigpit na pinagbibilin ng DMW na mag-ingat ang mga nagnanais na makapag-trabaho abroad sa sinuman na magpapakilala na sila ay namamasukan sa DMW at magre-recruit ng trabaho sa labas ng Pilipinas. Diin ng DMW, na ito ay isang scam.

Bilin pa rin ng DMW, kung sino man ang nakakakilala sa larawan na kanilang nilabas sa publiko ay maaring i-report ito sa:

e-mail: airtipinfo@dmw.gov.ph

o maaari din mag-post ng private message (pm) sa FB ng DMW