Home Health 59-anyos na Pinay, Nabangga ng Taxi sa Wan Chai

59-anyos na Pinay, Nabangga ng Taxi sa Wan Chai

59-anyos na Pinay, Nabangga ng Taxi sa Wan Chai v2

Ayon sa Police ng Hong Kong, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang pedestrian noong May 1, bandang alas 11:00 ng umaga at ini-ulat na may nabangga ng taxi sa may Queen’s Road corner Spring Garden Lane, sa Wan Chai.

Agad na dumulog ang Pulis at ambulansiya.

Napag-alaman na ang nabangga ay 59-anyos na babaeng Filipino.

Ayon sa unang inbestigasyon, ang Pinay ay tumatawid sa nasabing kalye nang ito ay mabangga ng taxi.

Nagtamo umano ng sakit sa likod ang Pinay at ito ay dinala sa Ruttonjee Hospital.

Mula sa lumabas na balita sa ilang online media outlet, ini-ulat na ang driver ng taxi ay kinilalang 75-anyos na lalaking local, at inimbistigahan agad ng Pulis matapos ang aksidente.

Ayon pa sa ulat, nakita sa dashboard ng taxi (na umano ay nagging viral sa internet). Sa video, makikita umano ang Pinay na may hawak na payong, ay nagmamadaling tumatawid samantalang makikita na ang “green light” para sa mga sasakyan ay makikita. Banggit umano ng taxi driver na ang Pinay ay sadyang nagmamadali sa pagtawid, ayon pa rin sa balita na nasabing media outlet.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang HKPinoyTVNews sa Konsulado ng Pilipinas sa anumang dagdag na inpormasyon sa nasabing insidente.