Home Hong Kong 36 –anyos na Pinay, natagputan sa canopy ng building, diniklarang walang buhay...

36 –anyos na Pinay, natagputan sa canopy ng building, diniklarang walang buhay sa hospital

6 Tsuen King Circuit, Tsuen Wan

Nakatanggap ang pulisya ng ulat kahapon, 1 September, bandang alas 3:00 nga hapon mula sa security guard ng address na 86 Tsuen King Circuit, Tsuen Wan na nakita ang Pinay na naka-handusay na walang malay sa canopy ng katabing building sa nasabing address. Ayon sa ulat ng Pulis, hinihinalang nahulog ang Pinay mula sa apartment na kung saan siya nakatira.

Agad naman na dumating ang ambulansiya at mga opisyal sa pinangyarihan at ang babaeng Filipino ay ipinadala sa Yan Chai Hospital para sa paggamot ng pagkawala ng malay pero kalaunan ay nakumpirmang patay na ang Pinay.

Pagkatapos ng paunang pagsisiyasat, pinaniniwalaan na nahulog ang Pinay mula sa isang flat sa address sa itaas.

Nakuha ng pulisya ang isang suicide note, at base pa rin sa unang inbestigasyon hinihinalang may financial problem ang Pinay.

Ang dahilan ng pagkamatay ng Pinay ay malalaman lamang matapos ang autopsy ayon pa rin sa otoridad ng Hong Kong.