Home PHL News Parusang Kamatayan ang Sinapit ng 2-Pinoy sa China sa Salang Drug Trafficking

Parusang Kamatayan ang Sinapit ng 2-Pinoy sa China sa Salang Drug Trafficking

Department of Foreign Affairs

Ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilpinas, inihayag na dalawang Pinoy ang binitay o pinatupad na kamatayan, ang sinapit sa China noong November 24, 2023, sa salang drug trafficking.

Nagpahayag ang DFA ng kanilang sinserong pakikiramay sa pamilya ng dalawang namatay na Pinoy.

“We offer our most sincere condolences to their families and loved ones. We respect the wishes of their families for privacy, and as such are withholding the identities of the two Filipinos,” ayon sa DFA.

“The Department likewise, deferred from immediately announcing this sad development pending receipt from the Chinese side of the formal notification of their execution,” dagdag nito.

Naaresto ang dalawang Pinoy nang taong 2013 matapos umano na magpuslit sa China ng 11-kilong shabu na tinago sa DVD player.Matapos madinig ang kaso, hatol na kamatayan ang tinaggap na parusa noong taon 2016.

Sa ilang ulat na lumabas sa online news sa Pilipinas, sinabi na ilang beses nag-apila ang DFA sa binigay na hatol sa dalawang Pinoy.

Ayon sa tagapagsalita mula sa DFA, “The Government of the Republic of the Philippines further exhausted all measures available to appeal to the relevant authorities of the People’s Republic of China to commute their sentences to life imprisonment on humanitarian grounds. There were also high-level political representations in this regard.”

“Our repeated appeals were consistent with the laws and values of our nation, which put the highest premium on human life. In the end, the Chinese government, citing their internal laws, upheld the conviction, and the Philippines must respect China’s criminal laws and legal processes,” dagdag pa nito.

Ilan kamag-anak ang naunang pumunta at dumalaw ng dalawang Pinoy base sa tinatawag na “compassionate visit”, bago sinapit ang kamatayan ng dalawang Pinoy.

Patuloy na nanawagan ang Gobyerno ng Pilipinas sa pag-ingat at pag-iwas sa mga salang krimen lalu na ukol sa droga na may katumbas na parusang kamatayan.

“Our repeated appeals were consistent with the laws and values of our nation, which put the highest premium on human life. In the end, the Chinese government, citing their internal laws, upheld the conviction, and the Philippines must respect China’s criminal laws and legal processes,” ayon pa rin sa tagapagsalita ng DFA.

Paalala din ng DFA sa mga bumibiyahe sa ibang bansa na maging alisto laban sa mga drug syndicate.

“Be vigilant against drug syndicates that recruit unwitting travelers as drug mules, and refuse to carry any package that you have not personally packed and thoroughly inspected. The Philippine government will continue to exhaust all possible avenues to assist our overseas nationals, ultimately it is the laws and sovereign decisions of foreign countries and not the Philippines which will prevail in these cases,” dagdag nito.

Ayon sa ulat ng DFA, may 92 Pinoy na nahaharap sa mga kaso na kamatayan ang parusa. Mula sa nasabing bilang, dalawa ang naibaba sa life imprisonment; 86 kaso ang naibaba sa fixed term, dalawa ang nakabinbin, at dalawa ang ipinatupad na ang hatol.