Home Health 19-anyos na Pinoy natagpuang patay matapos umanong mahulog mula sa rooftop ng...

19-anyos na Pinoy natagpuang patay matapos umanong mahulog mula sa rooftop ng gusali

Johnston Road building 1200b

Nakatanggap ng tawag ang Pulis ng Hong Kong kaninang umaga (6:20am/1 May) upang i-report na may tao na nakahandusay sa ground na hinahalang nahulog malapit sa building sa Johnston Road, Wan Chai.

Agad naman sumaklolo ang Pulis at ambulansiya sa nasabing lugar.

Sa paunang inbestigasyon ng Pulis, napag-alaman na ang nakahandusay na walang-malay na tao ay 19-anyos na lalaking Filipino na may Hong Kong ID.

Ang Pinoy ay agad naman dinala ng ambulansiya sa Ruttonjee Hospital upang ma-eksamin pero, sa kalaunan ay diniklarang ito ay wala nang buhay.

Dagdag sa paunang inbestigasyon ng Pulis, pinaniwalaan na ang Pinoy ay nahulog mula sa rooftop ng building sa may Johnston Road. Wala din umanong nakitang suicide note ang Pulis sa pinangyarihan, at ang sanhi ng kamatayan ay hindi pa makumpirma pagkatapos ng autopsy.

Paalala: If you have suicidal tendencies or depression, please call the 24-hour multi-lingual hotline at The Samaritans Hong Kong : 28960000.