Ang dalawang OFWs na nabalitang nawala ng ilang araw at natagpuan ng Pulis ng Hong Kong sa isang mall sa Shatin noong Huwebes ay nakatakda ng umuwi sa Pilipinas, ayon sa Konsulado ng Pilipinas.
Ang pag uwi ni Aleli Perez Tibay, edad 33, at Imee Mahilim Pabuaya, edad 24, sa madaling panahon bago umabot ang ika-14 na araw kung saan sila ay mawalan ng visa o karapatan na mag-stay sa Hong Kong.
Ayon sa batas ng Hong Kong sa ilalim ng Immigration Department, may 14 na araw lamang ang domestic workers na pwedeng mag-stay pagkatapos na i-terminate ng employer ang kontrata.
Sa pakikipag usap ng opisyal ng Konsulado sa dalawang OFWs paliwanag nito na sila daw ay naligaw sa kanilang hiking sa nagdaang mga araw na sila ay pinag hahanap.
Sa social media, ilang mga kapwa OFWs ang hindi sumasang ayon sa paliwanag ng mga ito at ang balitang umiwas umano sa utang ang dahilan ng mga ito.
Umaasa naman ang opisyal ng Konsulado na makuha nila ang dahilan ng kanilang pagkawala ng ilang araw.









