Bilang bagong Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), layunin umano ni Patricia Yvonne Caunan ang pagpapalakas ng OWWA sa pagbigay ng serbisyo sa mga overseas Filipino Workers (OFWs); ito ang makabuluhang paliwanag nito sa press conference na ginanap noong nakaraang Linggo (7 Sept).
Pero, ayon pa rin kay Caunan, hindi alam ng lahat na may 400 na empleyado lamang ang OWWA na nakatalaga sa Pilipinas (national at regional) at sa ilang bahagi ng mundo para sa dami ng higit 10-milyong OFWs.
Sa 400 na empleyado ng OWWA, apat na empleyado lamang ang nakatalaga sa Hong Kong para sa may daming higit 200,000 OFWs sa kasalukuyan, na ibig sabihin sa bawat isang empleyado ng OWWA, ito ay nakatalaga na umasikaso o magbigay serbisyo sa 50,000 na OFWs dito sa Hong Kong.
Pero Bakit?
Paliwanag ni Caunan, may 3-bilyong budget lamang ang OWWA para sa loob ng isang taon (2025).
Dahil dito, sumasakit umano ang loob ng OWWA Administrator dahil sa gitna ng kasalukuyang kalagayan sa ating bansa (na ating napapanood sa mainstream at social media) na ang 3-bilyong budget ng OWWA ay budget para sa isang project lamang para sa ibang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon sa mga pagdinig sa Senado at Congress na gumimbal sa kalakhang mamayan, ilang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagkakahalaga ng bilyong-bilyong pera para sa proyekto ng flood control at imprastraktura tulad ng tulay, bagamat na ang ilan ay walang nakitang resultang pisikal ng proyekto kaya’t tinaguriang “ghost project.”
Para sa OFWs na 10% ng populasyon ng Pilipinas na tumutulong sa ating ekonomiya ay may 3-bilyong budget lamang sa isang taon, pag-uulit ni Caunan, na umano ay 3-araw lamang na budget para sa flood control.
Sa limitadong budget, ilang puna ang natatanggap ng OWWA sa kakulangan umano ng pagbigay ng tulong at suporta sa mga OFWs, banggit pa rin ng Administrator.
Sa ilang programa ng OWWA tulad ng repatriation emergency fund, alagang OWWA, mga lounges, sea farers hubs, at iba pang serbisyo, hindi umano kasya ang 3-bilyong budget para sa dami ng mga OFWs, pag-uulit na sabi ni Caunan.
Pero, ayon pa rin sa bagong Administrator, kasama niya ang mga empleyado nito, na magpapa-tuloy ang OWWA sa pagpapatupad ng kanilang gawain na kailangan ang malalim na pagpa-plano, may sapat na budget, at suporta mula sa gobyerno para sa ikagagaling ng paggampan ng serbisyo para sa mga OFWs.
- Economy
- Life Style
- Finance
- International
- Labor
- Hong Kong
- Migrant News
- Migration
- PHL News
- Pinoy Abroad
- Politics
- Travel









