Home Health 39-anyos na OFW, natagpuang patay sa flat ng umano ay boyfriend niya

39-anyos na OFW, natagpuang patay sa flat ng umano ay boyfriend niya

39-anyos na OFW, natagpuang patay sa flat ng umano ay boyfriend niya

Ayon sa ulat ng tagapag-salita ng Pulis ng Hong Kong, nakatanggap sila ng tawag noong 14 January, bandang alas 3:30 ng hapon na may babaeng walang malay sa loob ng flat sa Woosong Street, Yau Ma Tei.

Ang ulat ng Pulis ay mula sa tawag ng 61-anyos na babaeng lokal.

Agad na dumating ang ambulansiya upang tugunan ang tawag .

Nang dumating ang ambulansiya sa flat upang sumaklolo at tingnan ang nai-ulat na walang-malay na babae, nalaman na wala na itong buhay.

Sa unang inbestigasyon, ang babae ay napag-alaman ng 39-anyos na Filipino na namamasukan na domestic worker.

Ang tinutuluyang flat kung saan natagpuan ang OFW ay flat umano ng 64-anyos na lokal na umano ay boyfriend ng OFW, ayon pa rin sa tagapag-salita ng Pulis. Ang boyfriend ay kasalukuyan wala sa Hong Kong.

Ang tumawag na babaeng lokal ay kaibigan ng boyfriend ng OFW na maglilinis sana sa nasabing flat ng araw na iyon. Binigyan daw siya ng susi ng kanyang kaibigan para linisin ang flat, ang sabi niya sa Pulis.

Ayon pa rin sa Pulis, sa inisyal na pagsusuri, umano ay walang anumang suspetsa sa pagkamatay ng Pinay.

Ang OFW ay nagpa-alam sa kaniyang employer na mag-stay out noong 12 January.

Ang kaso ay tinawag na “dead person found case”, ayon pa rin sa Pulis ng Hong Kong.