Ayon sa Pulis ng Hong Kong, sila ay nakatanggap ng tawag mula sa isang mamayan na nagmula sa address ng Flat No. 97, Tsuen King Circuit, Tsuen Wan bandang alas 9:57 ng gabi kahapon, 13 April.
Agad na nagrespunda ang Pulis ng HK at ambulansiya sa nasabing address at natagpuan ang OFW na nagbigti gamit ang belt, ayon pa rin sa ulat ng Pulis.
Sa unang inbestigasyon, wala umanong nakuhang sulat ng pagpa-alam o suicide note.
Ayon sa otoridad, malalaman ang dahilan ng pagkamatay ng OFW pagkatapos ng autopsy.
Ang kaso ay tinawag ng HK Pulis na “Body Found”.
PAALALA: Para sa Lahat!
Sa panahon ng iyong pag-iisa, kung may kalungkutang dinaramdam, may magbigay na problema o may depression, maaring tumawag sa THE SAMARITANS Hong Kong sa Numero 2896000.