Home Community Events OFW na nasa ICU dinalaw ng ilang grupo ng mga OFWs

OFW na nasa ICU dinalaw ng ilang grupo ng mga OFWs

OFW na nasa ICU dinalaw ng ilang grupo ng mga OFWs
Divina Apostol Lim, SJMW Auditor; Sol Ramel, SJMW VP; Marites Torralba, SJMW Treasurer; Alma Bangayan, SJMW Facebook Admin

Ilang grupo ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang dumalaw kahapon (3 March) sa isang kababayang Pinoy na nasa ICU sa Kwong Wah Hospital.

Ang ilang opisyal ng Social Justice for Migrant Workers (SJMW) ay kabilang sa mga nakibahagi na mabisita ang may sakit. Ilang miyembro din ng El Shadai ang bumisita, kamag-anak at mga kababayan mula sa kanilang probinsiya ang nagpunta upang makita ang kalagayan ng kababayang Pinoy.

Kasabay ng pagbisita sa maysakit na OFW ay nakilala rin ang kaisa-isang anak nito (22 anyos) na dumating noong 25 February sa Hong Kong para magbantay sa kanyang ina.

Ayon kay Angeli (cousin-in-law ng may sakit at member ng SJMW), pinasok sa Kwong Wah hospital ang 47 anyos na OFW mula sa Ilocos Sur noong 14 February ng taong ito.

Una dito, noong 8 February nang nakaramdam ang OFW ng matinding sakit ng ulo kaya agad na nagpunta sa hospital, at agad na na-confined sa Tsung Kwan O hospital. Matapos ang ilang araw sa hospital ng TWO, nilipat na sa Kwong Wah para isagawa ang brain surgery. Pagkatapos ng operasyon ay wala pa rin malay ang OFW kayat nasa ICU hanggang sa kasalukuyan.

Ayon pa rin kay Angeli, patuloy pa rin ang pagsusuri sa sakit ng ating kababayan kayat hindi nila alam hanggang kailan ito sa hospital. Dahil dito, ang anak ay patuloy pa rin na mamalagi sa Hong Kong para bantayan ang kanyang ina.

Ang employer ng employer ay ginagampanan din naman ang tungkulin sa OFW, dagdag ni Angeli

Sa pananatili ng anak ng OFW kakailanganin umano ang shelter at iba pang pangangailangan bagamat ang employer ng kanyang Nanay ay sumoporta din pero sa may takdang araw din lang.

Samantala, ang SJMW ay nagbigay ng paunang tulong sa anak na may sakit at umano ay magkakaroon ng fund raising para sa suporta sa may sakit at anak nito.