Ayon sa ulat ng Pulis ng Hong Kong, bandang alas 11:00 ng gabi noong 26 March nang tumawag ang employer ng domestic worker upang ipaalam na ang kanilang babaeng Filipino na domestic worker ay natagpuan na halos walang malay.
Agad na dumating ang ambulansiya upang sumaklolo sa address ng employer na nasa Stubbs Road, Wan Chai.
Sa paunang inbestigasyon ng Pulis, ang Pinay umano ay uminom ng “bleach” sa pagtangkang pagpapakamatay.
Ayon din sa impormasyon na binigay ng employer ng Pinay, ang pagtangkang pagpakamatay ay dahil umano sa problema o alitan ukol sa pag-ibig o sa relasyon ng OFW.
Dinala sa Ruttonjee Hospital ang OFW ayon pa rin sa ulat ng Pulis.