Nagtangkang umanong magpakamatay ang 14-na-anyos na batang babaeng local sa pamamagitan ng pagtalon sa platform ng MTR Hin Keng Station Platform 2, bandang alas 9:00 ng umaga.
Ayon sa Pulis ng Hong Kong, natanggap nila ang tawag sa ilang mamayan na nakita ang batang babae na tumawid sa railings ng nasabing estasyong ng MTR at tumayo sa gilid ng platform.
Agad na dumulog ang ilang empleyado ng MTR at naki-usap sa batang babae na nakasuot ng unipormeng pang-PE ng eskuwelahan na huwag itong tumalon.
Dumating din ang Pulis at ambulansiya sa nasabing lugar upang sumaklolo sa batang estudyante.
Subalit sa ilang minutong paliwanagan at paki-usap na huwag tumalon hindi napigilan ang batang babae at tumalon ito sa may taas na 6-na metro mula sa kanyang kinatatayuan sa MTR Platform.
Bumaksak ang batang babae sa lupa na conscious subalit ito ay bahagyang hilo. Sumaklolo agad ang Pulis at ambulansiya at tinakbo sa Prince of Wales Hospital para gamutin ito na nagkaroon umano ng sugat sa kaliwang tuhod.
Ayon pa rin sa Pulis, sa kanilang panimulang inbestigasyon, ang batang babaeng local ay Form 1 student at may ilang problema sa pag-aaral.
Ang kaso ay classified sa record ng Pulis bilang “attempted suicide”.
PAALALA:
If you have suicidal tendencies or depression, please call the 24-hour multi-lingual hotline at The Samaritans Hong Kong: 28960000.