Home Health 43-anyos na OFW na nawalan ng malay tinakbo sa hospital

43-anyos na OFW na nawalan ng malay tinakbo sa hospital

43-anyos na OFW na nawalan ng malay

Nakatanggap ng tawag ang Hong Kong Pulis kahapon , 26 December, bandang 7:30 ng gabi, mula sa security guard ng building sa No. 6, Greig Road, Quarry Bay, na ni-report na ang 43-anyos na babaeng Filipino ay nawalan ng malay. Napag alaman na ang babaeng Filipino ay namamasukan sa HK bilang domestic worker.

Agad na dumating ang Pulis at ambulance sa nasabing address at natagpuan ang babaeng Filipino na nakahandusay sa sofa ng living room na walang malay.

Agad na dinala sa Pamela Yeude Nethersole Eastern Hospital ang OFW para malaman ang kanyang kalagayan at para sa kanyang pagpagamot.

Sa kasalukuyan na sinulat ang balitang ito, naghihintay pa rin ng sagot ang HKPinoyTVNews mula sa Hospital Authority sa anumang development ng kalagayan ng OFW.