Home Hong Kong Sa video na kumalat, walang ulat na OFW sa HK na tumalon...

Sa video na kumalat, walang ulat na OFW sa HK na tumalon sa building, HK Pulis

Hindi sa Hong Kong v2

Kinunpirma ng Hong Kong Pulis na walang nai-ulat na isang overseas Filipino worker (OFW) na tumalon sa building sa anumang distrito ng Hong Kong sa nagdaang mga araw, ito ang malinaw na sagot ng HK Pulis sa panayam ng HKPinoyTV sa otoridad.

Paliwanag ng Pulis, hindi sa Hong Kong ang nasabing video na pinost ng isang OFW na may initial na JB, isang content creator ayon sa kanyang facebook.

Makikita sa video ang ilang tao na nakaharap sa di-kataasan na building, at sa kalye ay may nagdadaang kulay dilaw na bus na bagamat di klaro ay makikita na nakasulat ay Chinese characters na sign sa bus.

Sa video, may paliwanag na malaking letra nakasaad ay “Isang OFW sa hongkong tumalon sa mataas na building@hongkong.”

Sa pinadalang screenshot sa Pulis upang alamin kung ito ay naganap sa Hong Kong, agad na tumawag ang Pulis sa HKPinoyTV upag makipag ugnayan at sabihin na walang anumang pangyayari na nai-ulat sa kanilang departamento. Bilin din ng Pulis na kung meron mang ganitong pangyayari ay agad itong pinapa-abot sa media, kabilang ang HKPinoyTV.

Ang kulay dilaw na bus sa video, ayon sa research na ginawa, ay pag-aari ng Transporters Urbanos de Macao SARL (TRANSMAC). Ang kumpanya ay isa sa dalawang bus operators sa Macau at China simula pa ng taong 1988.

Ang Konsulado ng Pilipinas na una ring nagpa-abot sa HKPinoyTV ng nasabing video noong Linggo (3 March) ay nagsabi din na wala silang natanggap na anumang report mula sa mga OFWS ukol sa nasabing video. Dahil dito, tinawagan umano ng opisyal ng Konsulado kahapon (4 March) ang nagpost ng video at pinatanggal ang nasabing video.

Bilin ng opisyal ng Migrant Workers Office na namamahala sa seksiyon ng Assistance to Nationals na maging responsible ang mga nagpo-post o ang mga vloggers sa kanilang mga nilalabas na video.

Sa ilang pag-subok na makontak ang vlogger gamit ang Facebook messenger, hindi nakatanggap ng sagot ang staff ng hkpinoytvnews.

Sa ulat ng HKPinoyTV, base sa ulat ng Pulis at panayaw sa otoridad, ang huling balita ukol sa “nahulog” na OFW mula sa building ay lumabas noong 14 December 2023.