Home Health Pinay na-diagnosed ng “Leprosy”, HK Department of Health

Pinay na-diagnosed ng “Leprosy”, HK Department of Health

Pinay na-diagnosed ng “Leprosy”, HK Department of Health

Kasalukuyang iniimbistigahan ang isang 30-anyos na babaeng Filipino sa sakit na “Leprosy” ayon sa Centre for the Health Protection (CHP) ng Department of Health (DH) ng Hong Kong.

Ayon sa unang inbestigasyon, ang Pinay ay pumunta sa hospital ng Tseung Kwan O para ipatingin ang ang ilang rashes o pantal sa kanyang balat sa braso noong 23 May. Siya ay tuluyang nang na-admit sa hospital para i-biopsy ang sample na kinuha sa kanyang balat at ito ay nag-positibo sa sakit na leprosy.Ang Pinay ay nasa stable na kalagayan ayon pa rin sa DH.

Base sa unang pag-aaral ng CHP, ang Pinay ay nasa Pilipinas ng buwan ng April sa panahon umano na ang sakit ay nagsisimula pa lamang (incubation period). Ang kanyang mga contact sa bahay sa Hong Kong ay kasalukuyang walang sintomas ng sakit at nasa ilalim ng medikal na pagsubaybay. Ang mga karagdagang pag-aaral ay ibibigay para sa mga contact sa bahay, at ipagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ayon pa rin sa CHP.