Humarap sa korte kahapon, 23 October, ang kaso ng babaeng Filipino na inaresto noong Sabado (21 October) sa Shatin Magistrate’ Courts.
Kinasuhan ang Pinay na namamahala sa bar dahil sa hinalang “unlicensed sale of alcohol”, “unlicensed possession of alcoholic beverages for sale” at “breach of condition of stay”.
Samantala, ang apat na lalaking Filipino na inaresto sa bar sa kasong “suspicion of drinking on premises without a liquor license”, ay pansamantalang nakalaya dahil sa piyansa at naka-takdang mag-report sa Pulis ng mid-November.
Ang limang Filipino ay inaresto sa ginawang pag-raid ng Central Police District Special Duty Squad ng Hong Kong sa isang flat sa Li Yuen Street West, noong 21 October, alas 9:00 ng gabi. Ang pag-raid ng hindi lisensiyadong bar ay base umano sa inbestisgasyon sa tip ng natanggap ng otoridad.
Sa flat, nakuha ng Pulis ang 581 cans ng beer,pitong bote ng whisky, a ledger at HK$1,400 na cash.
Ang 5-Pinoy na inaresto ay nasa edad sa pagitan 30-39.