Napatunayang nagkasala o guilty ang resulta sa inbestigasyon sa kaso ng empleyado ng Office for Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa NAIA, ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.
Ibig sabihin, ang nilunok ng nasabing babaeng empleyado ay ang perang nawawala (USD300) sa turistang Chinese at hindi chocolate, na unang niyang paliwanag bago ang inbestigasyon.
Sa nangyaring insidente, maliban sa babaeng nakunan ng CCTV na lumunok ng pera ay may tatlong empleyado pa ang napag-alaman na kasangkot dito – isa pang babae at dalawang lalaki, ayon pa rin kay Secretary Bautista.
Sa kasalukuyan at suspindido ang apat na empleyado at posibleng matanggal sa kanilang trabaho.
Sa gitna ng balitang naganap na nakawan sa NAIA, kahapon lamang (September 26) ay nagsumite ng resignation si Ma. O Aplasca, Administrator ng Office for Transportation Security (OTS)
Sa sulat nito kay President Ferdinand Marcos Jr, sinabi nito na ang pag resign niya ay “”Noble undertaking for a greater interest.”
Ang pagsumite ng kanyang resignation ay umano base sa sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nagbigay ng babala na sa pagblock ng 2024 budget ng Department of Transportation, kung saan ang OTS ay kabilang.
Sinabi ni Aplasca (sa salitang English), “but to wage an honest campaign against corruption in all our airports nationwide”.
“It is just unfortunate that as we weed out the scalawags in our ranks, it will always draw media attention and tarnish the reputation of our country,” Aplasca dagdag pa nito.