Home Migrant News Passport at Boarding Pass, Pinunit ng Mister nang Paalis na OFW

Passport at Boarding Pass, Pinunit ng Mister nang Paalis na OFW

Passport at Boarding Pass, Pinunit ng Mister nang Paalis na OFW
illustration: HKPinoyTV Images

Luhaan ang OFW na nakatakdang umalis sana noong Miyerkules ( 10 January) upang bumalik sa Qatar upang magtrabaho, ang dahilan, pinunit ng kanyang asawa ang kanyang passport at boarding pass.

Ayon sa ulat ng GMA7, ang OFW ay 7-taon na nagtatrabaho sa Qatar at nakatakda sanang bumalik sa kanyang employer matapos ang ilang panahon na pamamalagi sa Pilipinas.

Bagamat nakipaghiwalay na siya sa kanyang asawa dahil sa pananakit nito, siya ay pinuntahan sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport, bago ang nakatakdang flight schedule niya.

Ayon sa balita, nais daw umanong magpa-alam ng mister ng OFW bago ito umalis kaya nakipagkita ang OFW sa kanya, pero ang nangyari, pinunit ng Mister ang kanyang passport at boarding pass. Ayaw umano ng mister na magtrabaho ulit ang OFW sa Qatar.

Ang mister ay nakaharap ngayon sa mga reklamong paglabag sa Philippine Passport Act. Ang kasong pagsira ng passport ay posibleng patawan ng pagkabilanggo hanggang anim na taon at multang aabot ng mula P60,000=150,000.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) bukas ang opisina nila na makipag-ugnayan sa OFW para matulungan tungkol sa nasirang passport.