Home Finance OFW sa HK, witness sa pagdinig ng kaso ng Illegal recruitment sa...

OFW sa HK, witness sa pagdinig ng kaso ng Illegal recruitment sa Senado

Senate hearing on OFW scam

Sa ikalawang araw ng pagdinig ng Committee on Migrant Workers ng Senado, kahapon, 13 February, sa kaso ng illegal recruitment, nagbigay ng salaysay ang isa mga nagreklamo sa kumpanyang Pinoy Care Visa Center at PCVC-Opportunities Abroad, na ang kinilalang CEO ay si Prisca Nina Mabatid, dating councilor sa Cebu CIty.

Sa pamumuno ni Senator Raffy Tulfo sa pagdinig ng kasong illegal recruitment, inimbitahan ang OFW sa HK na si Cherryl Manuel (“in virtual” o gamit Zoom) na magbigay ng kanyang salaysay sa pangyayari paano siya umano naging biktima ng illegal recruitment.

Ayon kay Ms Manuel, sa nais niyang magkaroon ng mabuting trabaho, naghanap siya ng agency gamit ang social media, at doon niya nakita ang post sa Facebook ng isang vlogger sa Hong Kong sa na may panawagan na “Canada to be your new home in 3-months’time” ni Nina Mabatid, at ang sabi pa rin ay “free oritentation”.

Noong 19 February, dumalo sa orientation si Ms Manuel sa Sunbeam Theater na may higit 1000 OFWs na dumalo, ayon pa rin kay Manuel.

Sa oryentasyon, pinangakuan umano ni Mabatid ang mga OFWs hindi lang na makapagtrabaho sa Canada gamit ang student visa pathway, kundi pati na rin umano ay madadala nila ang kanilang mga pamilya sa Canada. Pangako pa ni Mabatid, tutulungan ang mga OFWs sa libreng pagproseso ng immigrant visa pag sila ay nasa Canada na.

Isa sa pangako pa ni Mabatid noong oras ng orientation ay pahihiramin ang mga dumalong OFW ng isang milyong Piso bilang “settlement fund”. Pero, dagdag ni Manuel, hindi pinaliwanag nong oryentasyon na sila ay kailangang mag-provide ng supporting documents para sa isang milyong Piso na ipapahiram sa kanila.

Sa oryentasyon, hindi binanggit ni Mabatid ang MOA (memorandum of agreement), at ang listahan ng mga kakailanganin (requirments), na napakarami, dagdag ni Manuel. Ang mga requirement ay ibibigay lamang kung ang interesadong OFW ay nakapagbayad na umaabot ng halos HKD19,000.

Para sa ilan lang o limitadong tao na interesado, nagbigay ang Pinoy Care Visa Center ng 3-araw lamang na panahon para ang mga OFW ay magbayad ng HKD18,000 at HKD731, na siyang eksaktong binayarn ni Manuel.

Nangutang si Manuel ng halagang kailangan bayaran kay Mabatid, at noong 26 February, nakuha niya ang resibo ng kanyang binayarang halaga sa ilalim ng tulay ng Admiralty. Sabay sa pagkuha ng resibo, doon din binigay ang MOA sa kanya at ilang pang mga OFWs.

Paliwanag ni Manuel, naniwala siya sa mga pangako at mga sinabi ng kumpanya ni Mabatid dahil sa pagbanggit ng mga pangalan na ilang mga pulitiko at kilalang tao sa Pilipinas, kabilang pa si Senator Raffy Tulfo. Binanggit din ang pangalan nila Senator Migs Zubiri, Sen Tito Sotto, Sen Bato Dela Rosa, Sen Manny Pacquiao; Boy Abunda, Willie Villarame, at Korina Sanchez.

Ang oryentasyon ng kumpanya ni Mabatid ay nasundan pa ulit noong June na muling inanunsiyo ng vlogger sa Hong Kong.

Tumawag ng Pulis ang ilang mga nabiktima ni Mabatid kasama si Manuel, upang harapin ito at ibalik ang kanilang binayad na pera.

Nangako umano si Mabatid na harapin sila sa opisina ng ating Konsulado sa araw ng 25 June, pero hindi ito dumating.

Sa ngalan ng mga biktima, humihingi sila ng tulong sa Senado para sa kanilang hustisya at maibalik ang perang kanilang pinaghirpan at ilan ay inutang pa sa banko.

Una sa pagdinig ng kaso, pina-abot ng lawyer ni Mabatid na hindi ito makakadalo dahil umano sa conflict sa kanyang schedules sa araw ng pagdinig.

“Ang panloloko sa iyo (Manuel) ay very clear at magaling manggamit ng tao ito (Mabatid) at nang kanyang modus para makapanloko”, ang tugon ni Senator Raffy Tulfo kay Manuel sa pagtatapos ng kanyang binigay na salaysay.

Mapapanood ang buong Senate hearing dito: https://www.youtube.com/watch?v=NPLoHZu0bv8&t=2818s