Home Finance OFW nagbigti, problema sa pera ang dahilan ayon sa HK Pulis

OFW nagbigti, problema sa pera ang dahilan ayon sa HK Pulis

OFW nagbigti, problema sa pera ang dahilan ayon sa HK Pulis

Natagpuan ang 30-anyos na babaeng foreign domestic worker na nagbigti sa flat ng kanyang employer sa 12 On Yat Street, Tsuen Wan, ngayon araw, 18 March.

Ayon sa ulat ng Pulis, kaninang 10:59 ng umaga, natanggap nila ang tawag mula sa employer ng babaeng FDW.

Agad na sumaklolo ang otoridad at dinala ang walang malay na FDW sa Yan Chai Hospital para sa pagpagamot nito. Pero sa kinalaunan ito ay diniklarang patay na.

Ayon sa panimulang inbestigasyon, kinilala ang FDW na Filipino o overseas Filipino worker (OFW), ayon sa employer nito.

Ang OFW ay natagpuan na nagbigti sa loob ng banyo ng flat ng employer gamit ang scarf.

Dagdag ng Pulis ng HK, ang OFW ay may hawak ng HK ID.

Wala ding umanong nakita na suicide note mula sa OFW sa ginawang inbestigasyon ng Pulis, at ang dahilan ng pagkamatay ay malalaman matapos ang autopsy.

Sa panimulang inbestigasyon din, problema sa pera o financial problem ang nakikitang dahilan ng pagbigti.

Paalala:

If you have suicidal tendencies or depression, please call the 24-hour multi-lingual hotline at The Samaritans Hong Kong : 28960000.