Home Finance OFW na on bail, tinakbo sa hospital, kaso laban sa kanya, inurong

OFW na on bail, tinakbo sa hospital, kaso laban sa kanya, inurong

OFW na on bail, tinakbo sa hospital, kaso laban sa kanya, inurong
photo credit: JJBS

Tinakbo sa Queen Mary hospital ang 46-anyos na OFW matapos na sumuka ng dugo noong Linggo, 4 February, ayon sa pina-abot na mensahe ng 25-anyos na anak nito na nasa Pilipinas.

Habang iuurong naman ng nagreklamo ang isinampang kaso laban sa OFW, ayon pa rin sa anak ng OFW.

Ang OFW ay on-bail sa kasong sinampa sa kanya kaya’t pansamantalang nakalaya at naninirahan sa shelter ng Bethune House nang mangyari ang insidente.

Ayon sa anak ng OFW, na may initial na pangalan na JJBS, nagpa-abot ng mensahe ang complainant na iuurong na ang kasong sinampa laban sa Nanay niya.

Matatandaang noong bandang October 2023, ay humingi ng tulong si JJBS sa HKPTV upang makontak ang kanyang Nanay nang ito ay arestuhin ng Pulis dahil umano sa akusasyon ng pagnanakaw. Sa ilang oras na pagtawag at follow-up ng HKPTV at ni JJBS sa ilang istasyon ng Pulis sa Hong Kong, ay nalaman din kung saan nakulong ang ina nito. Panandaliang nakulong ang OFW pero pansamantalang malaya dahil sa piyansa at nanirahan sa shelter bago ang pangyayari noong Linggo.

Sa kasalukuyang, ang OFW ay nasa ICU at natawagan na din si JJBS ng hospital upang ipa-abot ang sitwasyong ng Nanay niya.

Nagulat si JBBS sa kalagayan ng kanyang ina dahil nakapag-usap pa daw sila ng maayos nang gabi ng Sabado, at wala itong binanggit man lang na anumang sakit.

Kasalukuyan din ina-ayos ang dokumento ni JJDS na makarating ng Hong Kong para sa “compassionate visit” sa Nanay niya.

Banggit ni JJBS, “Sa mga ganitong pagkakataon po pala talaga mararamdaman yung pagkukulang mo bilang anak sa magulang mo.”

Humihingi din ng panalangin sa kapwa Pinoy si JJBS para sa agad na pag-galing ng kanyang ina.